Ito ay ang pagsusulat ng isang taong walang ginagawa at nasa bahay lamang. Ako ay sumusubok na ipahayag kung ano ang nasa aking isipan. Ang mga nalalathala sa blog na ito ay mula sa aking isipan, opinyon at karanasan. Maari din naman nakita o narinig mula sa media o kung kanino at saan man sa aking pakikisalamuha at pakikipag-sapalaran sa buhay. Masayang pagbabasa at maraming salamat! Comments are welcome at hausbandad@gmail.com.
Saturday, November 8, 2014
Insidenteng Bago mula sa Nakaraang Karanasan
Ang pangyayari ng pagpatay sa isang Transgender ay isa napakalaking balita na ating inakala. Nguni't ito ay nagsilbing malaking balita lamang sapagkat ito ay nabahiran ng temang politikal. Sa kadahilanang isang sundalong amerikanong puti, na kasama sa isang tropang dumaong sa ating bansa ang naturang suspek sa pagpatay. Nakisakay sa aking sapantaha ang mga taong politikal, na sa aking tingin ay ni hindi mga tunay na nakiramay. nagsilbi lamang ang mga taong ito na posporo na gustong lumikha ng apoy sa isang problema na kung iisipin natin ay naging kaganapan na ating lipunan ilang taon ang nakaka-raan. At ano nga ba ang pinag-iba ng dalawa.
Sa aking opinyon ay mas higit na malala ang serial-gay-killer na iyon sapagkat hindi lang iisang binabae ang kanyang napatay at kung tama ang aking pagkaka alala ay may isang pari pa yata siyang napatay. Hindi ba't bukod na kakaiba nag kasong ito kumpara dito sa pagkakapatay ng Amerikanong puti sa isang binabaeng Pilipino. Pag pasensyahan na ninyo dahil ang napatay ay lalaki at isa PILIPINO. kahit anong itawag nila siya ay lalaki, nagkaroon man o hindi ng sinasabing sex re-assignment.
Ang serial-gay-killer ay isang murderer dahil kanyang na isip ang pagpatay sa maga binabaeng kanyang biktima.Sa ngayon nangyari sa transgender na ito ay masasabing isolated case. sapagkat wala namang nababalita na may ganitong pangyayari sa mga nagdaang panahon. at alin ba ang mas masasabi nating HATE CRIME? ang sa serial-gay-killer o ang sa amerikanong sundalo?
sa kasamaang palad, walang magsasabi ng katotohanan na ating pakikinggan. ano ang talagang nangyari? walang dapat humusga. ang lahat nang mayroon sa ngayon ay sapantaha lamang. nagnakaw ba ang naturang binabaeng biktima? pinilit lang ba ang biktima ng kano na makipag-sex sa kanya? tanging ang ebidensya kung mayroon man ang mkpag sasabi ng tunay na nangyari.
isang punto nang pagkukumpara ang lumabas kung kaya't nasabi kong maraming tao ang bagkus na makiramay sa namatayan ay mga nagsipag sakayan lamang sa isyu na ito. ang pagkukumpara sa isang rape victim diumano ng isa rin sundalong bumisita ilang taon ang nakakaraan ay ang pag uudyok lamang ukol sa Visiting Forces Agreement. Ito ay mistulang sirkus ng mga may pansaraling motibo kung kaya't nakaka awang pakinggan at tingnan ang pamilya at nobyo ng transgender na ito. hindi namalayan ng mga ka-anak ng biktima na sila ay gingamit ng iilan sa pagpapanggap na nagbibigay tulong sa kanilang adhikain.
nasaan na nga ba si NICOLE na na-rape daw ni SMITH at ng iba pang ksamahan nito? isang tanong lamang mga mambabasa na inyong ikapagtataka. dahil nawalang parang bula ang babaeng ito at ang kanyang kasintahan at sa tingin ko ay pati ang kanyang ina. sa mga nakaka alam sila ay nasa Amerika at dun naninirahan ang nagtatrabaho at namumuhay. hindi bat isang nakakatawang isipin na ang biktima na si NICOLE na galit na galit noong panahon na iyon ay doon mismo nagsusumiksik ngayon sa lugar kung saan isinilang ang diumano'y rapist?
ang pagbabalik tanaw sa kaso ni NICOLE ay nagpalala sa aking ng makausap ko ang isang taong na lumaki kung saang lugar si NICOLE ay sinasabing na-rape. ang pagkakasabi ng aking kakilala ay may dalawang bar sa lugar na iyon. isang bar para sa mga gusto ng good-clean-fun at yung isa naman ay para sa kakaibang-fun. sa dalawa daw na ito ang nahuli ang tinatambayan ni NICOLE. at si NICOLE daw ay dayo lamang at nagpapanggap daw na estudyante ng isang malaking university kung saan nag-aaral ang aking kausap. ang sabi niya si NICOLE ay drop-out na ng nasabing university ng panahon na iyon at alam ng mga tao sa lipunan sa lugar na iyong ang reputasyon ng nasabing bar para sa kakaibang-fun. kaya't ipinilit ng ina ni NICOLE na ilipat sa Maynila ang kaso sa dahilan na walang simpatiya ang mga tao sa kaso nila dahil nga sa nasabing kaalaman sa bar ng kakaibang-fun. kung bakit ito nangyari, ang mailipat ang kaso ay dahilan din kung bakit maingay ang mga mapagsamantala ang VFA. pulitikal na motibo.
balikan natin si Transgender victim sa ngayon, bakit siya nakiki-apid sa isang stranger na nakilala sa isang bar kung may nais na pala sila ng kanyang German na nobyo na magpakasal? ano ang rason kung bakit sya pa ang nag-check-in at sinundo ang Kano sa bar matapos maihanda ang kwarto? at ngayon ang biktima ba ay totoong biktima or cya ang bumiktima sa Kano na ito kung kayat umabot sa pagpaslang ang kinahinatnan.
sa parehas na kaso ay gusto ng mahaderong mananakay at mapagsamantalang tao na alisin ang VFA? aba sandali lang, kayo bang mga nagpapatanggal netong VFA ay handang humarap sa China upang ipagtanggol ang ilang milyon Pilipino? Kaya ba ninyong mag rescue ng mga dayuhang na-kidnap ng ABU SAYAF o kaya nyo bang humawak ng armas iputok sa mga taong nambibiktima ng mga kawawang inosenteng Pilipino. sa huling tanong ay sigurado akong hindi ninyo ito kaya sapagkat PAGPAPAKAMATAY ang kalalabasan neto sa inyo.
Ang 2 'biktima' umano ay ilang porsyento ba ng ating populasyon? upang gamitin ang kanilang "personal risk by choice" of "going with a stranger they just met in a bar to somewhere private" na dahilan sa pag papatanggal ng VFA. ano ang benepisyo ng VFA at ano ang benipisyo ni NICOLE at TRANSGENDER sa pagsama nila sa mga dayuhang ito? sa aking pananaw ang 2 ito ay inihain ang kanilang mga sarili bilang HIGH RISK sa HIV-Aids sa kanilang pag sama sa mga dayuhan at yaan ba ang benipisyo ng ating sambayanan sa mga naturingang biktima?
Mag-isip naman po tayo. hindi ung nagpapadala sa sulsol ng mga walang magawa kung hindi ang magreklamo at mga sala sa init at sa lamig na miyembro ng ating lipunan. ang magiging totoong biktima dito ay ang mga Pilipino na nakikinabang sa silent benefits na dala ng VFA. Ang pagtigil ng China sa bullying nila mula ng ma extend pa ang VFA na iyan. Ngunit ang iilang nagtatapang tapangan ay sila pa ang malakas ang loob na ipa-alis ito. sila ay napaka makasarili dahil hindi nila iniisip ang mas nakakarami. ang mga nakakarami na inintaguyod ang kanilang mga pamilya at kung ikukumpara sa mga nasabing biktima, sino po ba sa kanila ang mas may dapat ipaglaban?
These two 'victims' made the crucial choice and so they are a victim of their own doing. But other millions of Filipinos will become victims of fate and the numb and dumb if we give in to the call to scrap the VFA. This may be a long shot but i hope ordinary people will understand not just sympathize. they should empathize the the results of this non-sense calls. I DO NOT WANT TO BE A VICTIM OF THE NUMB, DUMB AND NON-SENSE PEOPLE IN PHILIPPINE POLITICS.
Thank you for reading.