Friday, January 14, 2011

ang panimula

23 Nov.2010

Ako si DAD, isang bansag mula ng ang aking misis ay nabuntis. Sa lahat ata, isang tropa lang ang bumansag sa akin nito. Noon, ang pinaka bansag sa akin ay Ninong sa dahilan na ako yata ang ninong ng bayan at lahat ng nag kakaanak ay kinukuha akong ninong. sa ngayon ay isa na akong tatay, ama, itay. Napakalaking pagbabago.

Ngunit ang blog na ito ay hindi lang sa pagiging Ama. Ito din ay sa pagiging asawa, katropa, kamag-anak, kapitbahay, kachat, atbp ngunit higit sa lahat ay sa pagiging kapwa Pinoy. Ilalahad ko ang aking sinko sentimong-halagang opinyon, kaisipan, kuro-kuro, katwiran, at kung ano ano pa.

I will try no to be political in nature but there will posts about my view on it. I am writing primarily to share my experiences so that people can learn from it. Not that I care but i just hope people will care about themselves, other and this country!