Friday, January 14, 2011

Ang Bagong Biling Lumang Kotse

Ang Bagong Biling Lumang Kotse
14 January 2010
Topic: Pulitika/Gobyerno

Hanep naman pala si PNoy! Bumili ng Porsche (Por-Sha) worth Php 4.5M.
Ang sabi sa balita ay nag react daw ang mga congressman sa ginawang ito ng
ating Presidente. Eh bakit...? Bakit sila nag-rereact? Inggit ba ito o dahil naunahansila ni Pnoy sa kotse na yun?

Nakakatawa isipin na dun sa nakaraaang presidente ay walang nag rereact sa kanila?
Bagkus ay itinitago pa nila sa media. Ang hirap talagang intindihin ang mga politicong ito.

Ah alam ko na! Wala kasing karapatan si Pnoy na bumili dahil maliit ang sweldo ng Pangulong Pilipinas. Isa pang rason kung bakit hindi siya dapat makabili ng mamahaling kotse ay ito--WALA naman siyang PORK BARREL o allocation na galing sa kongreso. Tama, this is the main reason why they can comment and react on the President's purchase of a 3rd or 4th hand-owned luxury car. It's a pity that this congressmen have the guts to do this.

Yes, there is an order for government officials to practice austerity but is it bad to buy yourself a Christmas present? Madami nga dyan eh kahit walang okasyon ay nagre-regalo ng mga mamahaling bagay, mula sa alahas, kotse at condo units.

The thing here is the President is also human. He has need and wants too. Tao din po siya gaya natin (ako nuon) na sa loob ng isang taon o ng isang buwan eh binibigyan natin ng break ang ating sarili. Nandiyan na makipag inuman paminsan-minsan, bumili ng gadgets o appliances. Di ba't hindi naman naiiba ang kanyang gingawa sa ordinaryong tao. Nagkataon lamang na ang kanyang binili ay isang branded na sasakyan na hindi nabibili ng ordinaryong tao.

Huwag din natin kalimutan na binenta niya ang isang BMW na kanyang pag-aari upang mabili ang Porsche na iyon. Gaya pa din ng ordinaryong mamamayan na nagpapalit ng gamit na ibinebenta ang pinaglumaan na para may pandagdag sa bagong bibilin. For the common people, it's called upgrading. Commonly, we practice the upgrading our cellfones, computers, etc. to be "in" or just to please our never ending wants. For me, he did not do an UPGRADE, rather it was a downgrade.

Kaya ko nasabing downgrade dahil yung kanyang BMW, eto ay kung ung SUV na may plate na NOI eh mukhang modelo pa. Ang binili niya ngayon ay hindi man lang second-hand. Mahal lang sa kung mahal ang kotseng iyon. Dahil nga branded at luxury car kung turingin.

Teka, nabanggit ba na ang ginamit na pambili ay personal na pera? Siguro naman. Kaya nga nag react ang mga Ctongressman eh. Dahil hindi nila kayang bumili ng mamahaling mga bagay kung gagamitin nila ang kanilang sariling pera. For those with violent reactions, ok na yan na kotse ang binili ng ating Pangulo kesa naman naki-pagshota sa kung kani-kanino. Yang THREE-gundang manong kotse na lang ang gawin niyang baby o honey.

To you President Pnoy: I salute your reasoning na para ito sa iyong pag rerelax at ipakita mo sa kanila na pera mo talaga ang ipinambayad mo. Although, ang sabi ng marami a car is bad investment dahil mabilis mag depreciate ang value, eh tingin ko yang kotse mo eh kabaliktaran ang mangyayari kapag naisipan mo ng ibenta. Your Excellency, hindi po sa nagustuhan ko ang inyong pagbili ng mgarang sasakyan pero sang-ayon ako sa katwiran ninyo. Dahil tao din lang po kayo na kahit ilang kilometro o oras lamang ay makapag- relax kayo at nang sa gayon ay ma-refresh ang inyong isipan sa mga magiging desisyon ukol sa mga kinahaharap ng ating bansa. Don't drink and drive, Sir! Pa-hitch po minsan!
-tapos-