Ang Mga Pagtaas
15 January 2011
Ukol Sa: Gobyerno
Naka amba na ang pagtaas ng pamasahe sa buong Metro Manila. What can we do?! Mag-rally? Mag-boycott? Mag-ngaw-ngaw?!
Unang-una lang, natatandaan niyo ba kung kailan huling nagtaas ng pasahe ang mga pangunahing modes of transportation? Eh natatandaan niyo ba kung kailan huling tumaas ang presyo ng gasolina?
Nakiki-isa ako sa mga ayaw tumaas ang pamasahe ngunit kailangan din naman nating magtanong. Sa MRT, kailan ba huling nag taas ang pamasahe nila? Lalo na ang LRT, baka hindi pa pinapanganak ang working class sa panahong ito ay yun na ang kanilang presyo. Sa taxi, kailan nga ba?
Pero ang sigurado ko ay natatandaan ninyo ang sa bus at sa jeep dahil maski ako ay tanda ko pa na bago umalis sa pwesto ang nakaraang presidente ay pinayagan niyang magtaas ang mga ito. Bago yata iyong magkaroon ng eleksyon nung payagan nilang mag taas ng minimum fare ang dalawang sangay na ito ng public transportation.
Hindi din lingid sa ating kaalaaman ang dahilan ng naka ambang pag-taas ng pamasahe sa iba pang sangay. Ito ay ang pagtaas ng toll fees sa SLEX, NLEX at iba pang EX na meron ditto sa Pinas.
Magtanong po ulet tayo? Bakit ba ganyan kataas ang dapat nilang itaas sa kanilang toll fees?
The simple reason is that the investors on some of these highway infrastructures need to get their money back after a long time of waiting. In the last 9 years, napigilan sila ng gobyerno. Bakit? Dahil ata sa “unstable” ang kanilang pamumuno kung kaya’t damay ang sangay na ito sa naipit sa pagpapaganda ng itsura at imahe ng pamahalaan noon.
Nararapat na nga yata itong mga pagtaas na ito?
Ano sa tingin mo? Huwag kang biased sa sarili mo mag-isip. Di lang ikaw ang tao sa mundong ito. Lol!
-end-
POST SCRIPT: naiwan ko palang di posted etong mga ito. mejo naging busy sa work (heheh... alam niyo naman its not easy being the man of the house..hehehe)